Malabon City, naglunsad ng walk-in vaccination para sa senior citizens

IMG_20210605_161723

Inanyayahan ni Malabon City Mayor Len Oreta ang mga senior citizen, na magtungo sa alinmang pinakamalapit na school vaccination site sa kanilang lugar.

Kaugnay ito ng inilunsad na walk-in vaccination program sa lungsod.

Ayon sa alkalde, ang isang senior citizen ay maaaring magsama ng isang edad 18-59 na mayroong comorbidity, upang ito man ay mabakunahan din.

Ipinaalala rin ng alkalde, na ang walk-in program ay ekslusibo lamang sa senior citizens.

Kung nais namang mag-avail ng isang nasa A3 priority eligible group, ay kailangan niyang magsama ng isang senior citizen na hindi pa nababakunahan.

Ulat ni Edison Domingo, Jr.