Malacañang, handang ipaliwanag sa mga senador ang TRAIN 2

Hindi lang naiintindihan ng mga senador kaya walang gustong mag-sponsor sa isinusulong ng administrasyon na Tax Reform Acceleration Inclusion o train 2.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kinalaman din sa election sa susunod na taon kaya dumidistansiya ang mga senador sa ikalawang TRAIN law.

Ayon kay Roque ang TRAIN 2 ay tungkol sa pagbaba ng corporate tax kaya hindi tatamaan ang mga negosyante at higit sa lahat ang mga mahihirap.

Ang TRAIN 2 ay isa sa legislative agenda ng administrasyon na hiniling mismo ng pangulo sa kongreso noong SONA na pagtibayin.

Naniniwala ang pangulo na tanging ang pagpapatupad ng mga bagong tax measures mapopondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan sa ilalim ng build build build program.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *