Malacañang maglalabas ng memorandum of agreement para maibalik sa kamay ng PNP ang anti illegal drug operations

Maglalabas ng Memorandum Order ang Malakanyang para maibalik ang anti illegal drug operations sa kamay ng Philippine National Police o PNP.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangang pawalang bisa ang naunang Memorandum Order na nagsasaad na ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang lead agency sa anti illegal drug operations at inalis noon sa kamay ng PNP.

Ayon kay Roque ang tanggapan ni Executive Secretray Salvador Medialdea ang maglalabas ng Memorandum Order para maibalik sa PNP ang anti illegal drug operations ng pamahalaan.

Itoy may kaugnayan sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibsbalik niya sa PNP ang anti illegal drug operations para hindi na lumalala pa ang problema sa ilegal na droga sa bansa.

Sinasabing tila hindi kuntento ang Pangulo sa performance ng PDEA sa anti illegal drug operations dahil sa kakulangan ng mga tauahan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *