Malacañang, pinasalamatan ang kongreso sa pagpapatibay ng 2018 national budget

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa dalawang kapulungan ng kongreso sa pagpapatibay ng 2018 National Budget na nagkakahalaga ng 3.767 trilyong piso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na gagamitin ng Duterte administration ang 2018 National Budget para sa mga development program na magdadala ng pagbabago sa buhay at pamumuhay ng mamamayang pilipino.

Ayon kay Roque bahagi rin ng paggagamitan ng National Budget ang pagpapagawa ng mga farm to market roads, pagbili ng mga police at military equipment at pondo para sa mga cancer patients.

Ang 2018 National Budget ay nakatakdang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malakanyang sa December 19 araw ng Martes.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *