Malacañang umapela sa publiko na gawing ligtas sa COVID-19 ang pagsalubong sa bagong taon

Nanawagan sa publiko ang Malakanyang na gawing ligtas sa COVID-19 ang pagsalubong sa bagong taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque gaya ng pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa taongbayan na iwasan muna ang pagsasagawa ng family gathering ngayong taon sa new year celebration.

Ayon kay Roque kung maaari ay huwag ng mag-imbita ng mga kapamilya na manggagaling pa sa ibang lugar sa bagong taon.

Inihayag ni Roque  idaan na lamang sa virtual o online ang family gathering sa new year eve.

Vic Somintac

Please follow and like us: