Pangulong Duterte, magpapatawag ng emergency meeting ng IATF kaugnay ng bagong COVID- 19 strain

Nakatakdang pulungin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Inter Agency Task Force o IATF sa December 26 araw ng Sabado sa halip na December 28 araw ng Lunes sa Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pangunahing agenda ng emergency meeting ng IATF ay may kaugnayan sa napaulat na bagong strain ng COVID 19 na kumakalat sa United Kingdom.

Ayon kay Roque nais matiyak ni Pangulong Duterte na hindi pa nakakapasok sa bansa ang bagong strain ng COVID 19 na sinasabing mas mabilis na makahawa.

Magugunitang noong December 24 araw ng Huwebes ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang pagbabawal na makapasok ng bansa ang mga flights ng eroplano na galing sa United Kingdom upang maagapan na hindi makapasok sa Pilipinas ang bagong strain ng COVID 19.

Vic Somintac

Please follow and like us: