Malakanyang hindi masabi kung magiging epektibo ang bubuuing framework of the code of conduct of parties in the South China Sea
Aminado ang gobyerno ng Pilipinas na masyado pang maaga para sabihin kung may epekto ang binubuong Framework of the Code of Conduct of Parties in the South China Sea sa agresibong reclamation ng China at pagtatayo ng istruktura sa West Philippine Sea kabilang na sa Scarborough o Panatag Shoal.
Sinabi ni Foreign Affairs Acting Sec. Enrique Manalo sa ginanap na media breifing sa Bangkok Thailand na mahirap pang masabi kung mapipigilan nito ang China sa pagkamkam sa mga disputed territories dahil dumadaan pa ito sa maingat na negosasyon.
Ayon Kay Secretary Manalo ang mahalaga dito ay mailatag ang mga key elements sa Code of Conduct na makakatulong para mapahupa ang tensyon at magsulong ng kooperasyon.
Makakatulong din daw ang ASEAN-China Code of Conduct para maiwasan ang komprontasyon sa karagatan at maiwasan ang pag-init ng sitwasyon sa West Philippine Sea.
Ulat ni: Vic Somintac