Malakanyang hindi pa masabi kung dadalo si Pangulong Duterte sa Proclamation rally ni Vice presidential candidate Mayor Sara Duterte- Carpio sa Philippine Arena

Aalamin pa ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles sa Presidential Protocol Office kung dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa proclamation rally ni Mayor Sara Duterte Carpio bilang Vice Presidential candidate ni dating Senador Bongbong Marcos sa Philippine Arena sa February 8 , 2022 araw ng Martes.

Sinabi ni Nograles si Mayor Sarah ay suportado ng ruling party PDP Laban sa kanyang pagtakbo bilang Pangalawang Pangulo.

Ayon kay Nograles wala pang sinasabi si Pangulong Duterte kung sino ang mamanukin ng ruling party PDP Laban bilang Presidential candidate.

Ang tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte Carpio ay magsasagawa ng proclamation rally sa Philippine Arena kasabay ng pagsisimula ng kampanya para sa May 9, 2023 election.

Vic Somintac

Please follow and like us: