Malakanyang, kumpiyansa pa rin kay Agriculture Secretary William Dar sa paghawak sa isyu ng ASF

Tiwala parin ang Malakanyang sa kakayanan ni Agriculture Secretary William Dar sa paghawak sa kaso ng African Swine Fever sa bansa.

Ito’y sa kabila ng napaulat na patuloy pa ring kumakalat sa ibang lugar ang African Swine Fever.

Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi naman nagpapabaya si Secretary Dar sa pagresolba sa problema sa African Swine Fever na nakaapekto na sa mga magbababoy.

Batay sa pinakahuling report nakapasok na sa lalawigan ng Pangasinan ang mga karne ng baboy na kontaminado ng African Swine Fever.

Pinupuna din ng ilang sektor ang hindi pagiging transparent ng Department of Agriculture sa pagtukoy sa mga lugar na apektado ng African Swine Fever.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *