Malakanyang kuntento sa kinalabasan ng hosting ng Pilipinas sa 30th SEA Games

Binati ng Malakanyang ang lahat ng mga atleta at support staff na sumali sa 30th SEA games na ginanap sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang tagumpay ng SEA games hosting ay tagumpay ng Pilipinas at ASEAN.

Nagpaabot rin ng congratulatory message ang Palasyo sa mga pambato ng Pilipinas na naguwi ng record-breaking na 149 gold medals, na kabilang sa kabuuang 385 medals na nakuha ng bansa kaya nasungkit ng Pilipinas ang overall champion sa katatapos na SEA games.

Ngayong nai-turn over na ng Pilipinas sa Vietnam ang hosting naman ng SEA games para sa 2021 kailangan na ito ay paghandaan para maidepensa ng bansa ang overall champion title.

Binigyang-diin ni Panelo na napanindigan ng Pilipinas ang ginamit na slogan sa SEA games na #WeWinAsOne.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: