Malakanyang magpapadala ng pormal na abiso sa US kaugnay ng hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa US ASEAN Summit

Tiniyak ng Malakanyang na magpapadala pormal na abiso kay US President Donald Trump kasunod ng pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa US ASEAN Summit sa Las Vegas na nakatakda sa Marso.

Ayon  Presidential Spokesman Salvador Panelo bahala na si DFA Secretary Teodoro Locsin Jr. na magsagawa ng pormal na komunikasyon sa hindi pagsipot ng Pangulo sa nasabing International event.

Sinabi ni Panelo na marapat lang na magkaruon  ng pormal na abiso tungkol sa hindi pagpunta ng Presidente gayung pormal namang nagpadala ng imbitasyon ang lider ng Amerika.

Una dito’y nagpahayag ng agam-agam si Pangulong Duterte kaugnay ng ipinadalang imbitasyon ni Trump kaugnay ng US ASEAN Leaders summit.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: