Malakanyang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga sundalong biktima ng friendly fire sa Marawi City

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pamilya ng mga namatay na sundalo dahil sa friendly fire  na nangyari sa Marawi City.

Matatandaang  tinamaan na naman ng airstrike ng gobyerno ang mga sundalo na nasa ground at dalawa ang kumpirmadong nasawi at 11 naman ang sugatan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella talagang nakalulungkot ang insidente kaya naman sa ngayon ay bumuo na ng isang team para magsagawa ng imbestigasyon sa naturang friendly fire.

Inihayag ni Abella inialay ng mga magigiting na sundalo at pulis ang kanilang buhay sa ngalan ng kanilang pagmamahal sa bansa kaya hindi aniya makalilimutan ng Pamahalaan ang kabayanihan ng mga nasasawi sa bakbakan sa Marawi City.

Tiniyak din ni Abella na ibibigay ng Pamahalaan ang nararapat na benepisyo sa pamilya ng mga nasawing sundalo sa pakikipaglaban sa teroristang Maute.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *