Malakanyang nagparating na ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Senadora Leticia Ramos Shahani

Ikinalungkot ng Malakanyang ang pagpanaw ni dating Senadora Leticia Ramos Shahani.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella ipinaaabot ng Malakanyang ang pakikiramay sa mga naulila ni Dating Senadora Shahani.

Ayon kay Abella kinikilala ng gobyerno ang naging pagsisilbi sa bayan ni Shahani sa ibat-ibang posisyon sa pamahalaan.

Si Shahani ay kapatid ni dating Pangulong Fidel Ramos na naglingkod bilang Senador, Ambassador at Undersecretary ng Department of Foreign Affairs.

Namatay si Shahani sa edad na 87 dahil sa kanser.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: