Malakanyang nagpasalamat sa Senate Blue Ribbon Committee sa pag-imbita kina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Manases Carpio

Nagpaabot ng pasasalamat ang Malakanyang sa Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senador Richard Gordon sa pag-imbita kina Presidential son Vice Mayor Paolo Duterte at Presidential son in law Atty. Manases Carpio.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na nabigyan ng pagkakataon sina Vice Mayor Duterte at Attorney Carpio para pabulaanan ang akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Abella nakita ng publiko na walang basehan ang akusasyon ni  Trillanes laban kina Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio.

Inihayag ni Abella sa halip na matibay na ebidensiya ang ipakita ni Trillanes nauwi lamang ito sa pagbibigay kahulugan sa tattoo at paglalantad ng umano’y bank accounts.

Binigyang diin ni Abella hinarap ng magbayaw na Paolo ay Manases si Trillanes bilang pagbibigay galang sa Senado bilang institusyon.

Ulat ni:Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *