Malakanyang naniniwalang mabilis ang aksyon ng gobyerno sa isyu ng bird flu virus sa Pampanga

Naniniwala ang Malakanyang na mabilis ang ginawang hakbang ng Department of Agriculture sa kaso  ng bird flu virus sa lalawigan ng Pampanga.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella maagap ang Department of Agriculture kaya hindi na ito  kumalat sa ibang lugar.

Ayon kay Abella mahigpit ding minomonitor ng pamahalaan ang mga negosyante na magsasamantala sa presyo ng manok sa mga pamilihang bayan at mahaharap ang mga ito sa kaukulang kaso.

Inihayag ni Abella na walang dahilan para magtaas sa presyo ng manok sapagkat walang kakulangan sa supply dahil ang apektado ay lalawigan ng Pampanga lamang at itinuturing itong isolated case lamang.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *