Malakanyang, umapela sa mga opisyal ng COMELEC na magkaisa para hindi makompromiso ang kanilang trabaho

Umapela ang Malakanyang sa mga opisyal ng COMELEC na magkaisa para hindi makompromiso ang kanilang trabaho.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella , itoy dahil nag-aalala na sila lalo na’t apektado na ang trabaho sa COMELEC ng hindi pagkakaunawaan ng mga opisyal nito.

Sinabi ni Abella na hindi manghihimasok ang Palasyo sa panloob na usapin ng COMELEC kaya dapat ayusin ng mga opisyal ang kanilang gusot para maging maayos ang operasyon ng tanggapan.

Una nang hiniling ng anim na Commissioners ng COMELEC na magbakasyon muna o kaya ay magbitiw na sa tungkulin ang chairman nilang si Andres Bautista dahil sa umano’y ill gotten wealth nito.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *