Malakanyang, walang natatanggap na Resignation letter mula kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre

Wala pang natatanggap ang Malakanyang na liham ng pagbibitiw mula kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Ito ang sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa harap na rin ng naglabasang ulat hinggil sa umano’y gagawing pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Secretary Aguirre.

Nagpadala ng mensahe sa Malakanyang media si Secretary Go matapos matanong tungkol sa balitang nagbitiw na o sinibak na ng Pangulo si Secretary Aguirre.

Inaasahan namang masasagot ang maraming katanungan tungkol kay Aguirre mamaya kaugnay ng nakatakdang cabinet meeting sa Malakanyang.

Una ng kumalat ang balitsng tinanggal na ni Pangulong Duterte si Aguirre kasunod nang pagkakaabswelto ng National Prosecution Service kina Kerwin Espinosa at iba pang akusadong drug lords sa kinakaharap nilang drug trafficking case.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *