Malawakang reshuffle sa mga opisyal ng PNP, ipinatupad

Isang linggo matapos na maitalaga sa puwesto, nagpatupad si PNP Chief Police general Rodolfo Azurin ng malawakang reshuffle sa hanay ng mga opisyal.

Kabilang sa nailipat ng puwesto ang no. 2 man at no. 3 man ng PNP na sina Police Lieutenant General Rhodel Sermonia na itinalaga bilang Commander ng Area police command sa Visayas habang itinalaga bilang commander ng Area Police Command Western Mindanao si Police Lieutenant General Vicente Danao.

Umakyat naman sa no. 2 post o Deputy Chief for Administration si Police Lieutenant General Chiquito Malayo.

Si Police Major General Benjamin Santos naman ang bagong Deputy Chief for Operations habang si Police Major General Arthur Bisnar ang Chief for Directorial Staff o number 4 man.

Itinalaga rin bilang Acting Director ng NCRPO si Police brigadier general Jonnel Estomo kapalit ni Police Major General Felipe Natividad na itinalaga bilang acting commander ng Area police command ng Northern Luzon.

Mar Gabriel

Please follow and like us: