Manila City govt itutuloy ang planong gawing commercial center ang Rizal Memorial Sports Complex

Itutuloy ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gawing commercial center ang makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex.

Pero nilinaw ni Manila Mayor Joseph Estrada na hindi nila ibebenta ang RMSC at ito ay mananatiling pag-aari ng pamahalaang lungsod.

Papasok lang anya ang City Hall sa joint venture agreement para sa itatayong sports, recreational at business center sa lugar bilang bahagi ng kanilang urban development program.

Mas mapapakinabangan aniya sa ganitong paraan ang Rizal Memorial na dahil sa kalumaan ay halos wala ng kinikita.

Ilang sa mga international sports events na ginanap sa Rizal Memorial ay ang 1954 Asian Games at ilang Southeast Asian Games.

Idinaos din sa RMSC ang concert ng bandang The Beatles noong 1966

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: