Manila Mayor Isko Moreno, nagbabala kasunod ng 2nd wave ng covid-19 infections sa US at Europe

Photo courtesy of Manila Public Information Office

Binalaan ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga Manilenyo kaugnay sa 2nd wave ng COVID-19 infections sa Estados Unidos at Europe.

Sa isang statement sinabi ni Moreno na dapat na manatiling maingat ang publiko kahit na sa bansa ay bumagal na ang transmission ng virus.

Giit ng alkalde, hindi dapat maliitin ang sitwasyon sa Europa, at dapat itong gamitin bilang paalala na nananatili pa rin ang panganib na dala ng covid 19.

Tiniyak naman ng alkalde na tuloy parin ang mass testing hindi lamang sa mga residente ng Maynila kundi maging sa residente ng ibang lugar.

Madz Moratillo

Please follow and like us: