Manok, dalawang beses nangitlog ng itlog na may tatlong pula

WESSEX NEWS AGENCY Jim Hardy email [email protected] mobile 07501 221880 STORY CATCHLINE: YOLKER It's no yolk! A Norfolk chicken called Lucky has beaten odds of 25 million to one by laying two eggs with triple yolks this month. Lucky is a former battery farm hen which was rescued by Lauren Mayes and her son Toby in September last year. Pic shows Lucky

 

                                       photo credit: metro.co.uk

Sa loob lang ng isang buwan ay dalawang ulit na naglabas ng itlog ang manok na si “Lucky,” ng itlog na ang pula o egg yolk ay tatlo.

Si Lucky ay ni-rescue ni Lauren Myers at ng anak nitong lalaki na si Toby, mula sa isang battery farm noong Setyembre ng nakalipas na taon, nang siya ay one day old pa lamang.

Si Lucky ay isinama ng mag-ina sa kanilang tahanan sa corpusty, norfolk kung saan ginawa nila itong family pet.

Subalit sa mga unang bahagi ng Marso, ay namangha sila nang sa unang pagkakataon ay mangitlog si lucky ng itlog na may tatlong pula o eggyolk.

Pero muli silang nagulat dahil halos dalawang linggo lang ang nakalipas ay muling nangitlog si lucky sa ikalawang pagkakataon, na gaya ng una ay tatlo rin ang pula.

 

=================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *