Masaganang ani ng palay , asahan ngayong taon – DA

Inaasahan ang maraming ani ng palay sa bansa ngayong taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, batay ito sa kanyang visual appreciation sa pagbisita nito sa mga sakahan sa ibat ibang lalawigan.

Kumpiyansa ang kalihim na magiging mataas ang porsyento ng ani ng palay partikular sa Central Mindanao, Iloilo, Aklan, Antique, Capiz, Quezon at Bicol.

Samantala, tiniyak rin ni Piñol na sapat ang suplay ng karne ng manok at baka.

Ito ay sa kabila ng ipinatutupad ngayong ban sa pag-aangkat ng mga manok mula sa mga bansang tinamaan ng bird flu.

Sinabi ng kalihim na wala naman siyang nakikitang krisis sa suplay ng manok sa ngayon at nanindigan itong magpapatuloy ang ban sa pag-iimport ng manok para na rin sa kaligtasan at kapakanan ng poultry industry sa bansa.

 

Please follow and like us: