Mass hiring ng mga healthcare personnel nakikitang solusyon sa lumalalang kaso ng COVID

Pinabibilisan ni Senador Christopher Bong Go sa Department of Health ang hiring at deployment ng mga medical personnel.

Bunsod ito ng pagpapaikli sa quarantine period ng mga healthcare workers na tinamaan din ng COVID-19.

Ayon kay Go na Chairman ng Senate Committee on Health, maaari namang kumuha ang gobyerno ng karagdagang healthcare personnel dahil may pondo para dito.

Pero dapat Bilisan din ang pagproseso ng dapat matanggap nilang halaga na naaayon sa batas tulad ng special risk allowance at ibang benepisyo para tanggapin ang alok na trabaho.

Sila aniya ang mga sundalo sa laban kontra sa COVID-19 kaya dapat ibigay ang lahat ng suporta at tugunan ang kanilang mga hinaing.

Meanne Corvera

Please follow and like us: