Matandang babae, patay sa sunog sa Sta. Cruz, Maynila

Nasawi sa sunog sa kahabaan ng Recto Avenue sa Sta. Cruz, Maynila nitong Biyernes ng umaga ang isang matandang babae.

Kinilala ng Manila Fire Department ang namatay na si Mary Castillo, 70 anyos.

Residente ang biktima ng Unit 803 na nasa dalawang palapag na apartment na nadamay sa sunog.

Hirap na raw itong maglakad kaya hindi na nakalikas.

Courtesy: Manila Fire Department

Sugatan naman sa insidente ang isang George Dy.

Ayon sa mga otoridad, 10 bahay ang natupok sa sunog habang 20 pamilya ang naapektuhan.

Tinatayang nasa Php 20,000 ang halaga ng ari-arian na natupok batay sa tala ng Manila Fire Department.

Nagsimula ang sunog bandang 5:40 ng umaga sa mga barong barong sa tabi ng Estero de San Lazaro.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog na idineklarang fire out ng 7:30 ng umaga.

Moira Encina

Please follow and like us: