Mayor Alice Guo hindi na kailangan magpa DNA test –dating consultant

Idinepensa ng kanyang dating consultant si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na nakukuwestiyon ngayon ang citizenship.

Ayon kay Nancy Gamo, dating consultant ni Guo, lumutang sya bilang isang kaibigan at kakilala ng alkalde dahil hindi niya kayang manahimik sa gitna ng mga isyu na ibinabato sa alkalde.

Mahigit 10 taon na aniyang kilala si Mayor Guo nang tumulong siya sa iba’t ibang aspeto ng negosyo nito kabilang ang pagiging corporate housekeeper at pagsasa-ayos ng mga records at iiba pang may kaugnayan sa pagbenta ng shares ng pamilya Guo.

Sinabi ni Gamo na kilala niya si Mayor Alice bilang isang napakasipag, mababang loob, at mapagmahal na anak.

Nakilala rin aniya ni Gamo si Lin Wen Yi, na ipinakilala bilang partner ng tatay ni Mayor Guo.

Giit ni Gamo, hindi si Lin Wen Yi ang tunay na ina ni Mayor Guo.

Sa kanyang palagay hindi na aniya kailangan kaladkarin pa ang ibang tao sa usapin ng DNA test.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *