Mayor Isko Moreno, handang ilabas ang SALN

Handa si Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno na ilabas ang kanyang statement of assets, liabilities, and net worth o SALN.

Pero dapat, kailangang sabay sabay aniya ang lahat ng Presidential candidates.

Ito ay para maiwasang magamit ito para siraan ang partikular na kandidato.

Sa tanong naman kung handa ba siyang makipag one on one debate sa kapwa kandidato sa pagka pangulo na si dating Senador Bongbong Marcos, sinabi ni Moreno na handa siyang maka debate ito.

Iginiit ni Moreno na hahabulin nya ang lahat ng pamilya na nang- abuso sa mga filipino.

Ngayong araw, sa Pangasinan naman nag-ikot sina Moreno kasama ang running mate na si Doc Willie Ong at kanilang Senatorial slate.

Madz Moratillo

Please follow and like us: