Measles outbreak sa Papua, Indonesia, nasa 100 na ang nasawi

Isandaang mga malnourished na residente ang nasawi sa Papua, Indonesia dahil sa measles outbreak.

Ayon kay Muhammad Aidi, tagapagsalita ng Papua military, kabuuang 69 na mga bata na ang nasawi sa liblib na Asmat region.

Bukod dito, nasa 27 naman ang sinasabing nasawi sa isa pang liblib at mabundok na distrito naman ng Oksibil.

Ayon kay Aidi, nakumpirma na nila ang iniulat sa kanilang measles outbreak na nararanasan rin sa Oksibil pero kinukumpirma pa kung ilan talaga ang namatay.

Bagaman maituturing aniya na isang mild disease lamang ang measles, pawang mga malnourished ang mga bata sa mga nabanggit n alugar kaya hindi nila kinakaya ang sakit.

 

=== end ===

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *