MECQ pinalawig pa sa 23 mga Barangay sa Catarman Northern Samar nang hanggang Nobyembre 27.

Pinalawig pa ng Municipal Gov’t of Catarman Northern Samar ang umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine sa 23 mga baranggay na sakop nito nang hanggang Nobyembre 27.


Batay sa inilabas na Resolusyon ng Catarman Municipal Gov’t., kabilang sa mga baranggay na nasa ilalim ng MECQ ay ang mga sumusunod: Barangay Acacia, Airport Village, Bangkerohan, Baybay, Calachuchi, Cawayan, Casoy, Dalakit, Ipil-ipil, Jose Abad Santos, Jose P. Rizal, Lapu-lapu, Macagtas, Mabolo, Narra, Samapaguita, Santol, Talisay, UEP Zone 1, UEP Zone 2, UEP Zone 3, at barangay Yakal.


Karagdagang 5 baranggay din ang isinailalim sa “high risk” ito ay ang mga baranggay Daganas, New Rizal, Old Rizal, Polangi, at Washington. 


Ito ay para hindi na kumalat pa ang covid 19 sa isa iba pang mga lugar sa bayan ng Catarman. 

Jet Hilario

Please follow and like us: