Northern Samar Provincial Govt. sinuspinde muna ang pagtanggap ng mga Locally Stranded Individuals sa kanilang lalawigan.

Sinuspinde muna ng Northern Samar Provincial Govt ang pagtanggap ng mga Locally Stranded Individual papasok sa kanilang lalawigan hanggang sa Nov. 24. 


Batay sa inilabas na IATF Memo resolution no. 34, Pinagbigyan ng Regional Inter-agency task force ang kahilingang ito ng mga LGU sa buong Northern Samar dahil sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa Covid 19. 


Dagdag pa riyan ay dahil sa ang buong lalawigan ng Northern Samar ay nasa ilalim ngayon ng GCQ hanggang Nov. 30 dahil pa rin sa pandemiyang dala ng Covid 19. 


Samantala, 6 na baranggay naman sa Lao-ang Northern Samar ang isinailalim sa 14 na araw na Enhanced Community Quarantine.  


Ito ang mga baranggay ng Baybay, Tumaguingting, Sto. Niño, Guilaoangi, baranggay Little Venice, at baranggay San Miguel Heights.


Ang naturang kautusan ay batay na rin sa rekomendasyon ng Regional IATF sa mga opisyal ng Northern Samar Provincial Gov’t para mapigilan ang padami ng covid 19 sa bayan ng Lao-ang. 

Jet Hilario

Please follow and like us: