Medical license ng mga doktor sa Bucor pinakakansela

Nais ni Senador Risa Hontiveros na ipakansela ang mga medical license ng mga doktor sa New Bilibid Prison na nagbigay ng passes sa mga bilanggo para tumagal sa mga ospital.

Isa sa tinukoy ni Hontiveros si Dr. Urcisio Cenas dahil sa unprofessional, unethical at immoral conduct nang payagan ang mga convicted drug lords na magbakasyon sa mga ospital kapalit ng lagay.

Ginamit na batayan ni Hontiveros ang reklamo ng dating bilanggo na si dating Bukidnon Mayor Jose Galario Jr na nagbayad siya kapalit ng mga medical certificates at palabas sa kulungan.

Dismayado ang Senador dahil sa datos ng Bureau of Corrections, umaabot sa 20 percent ang nagkakasakit at namamatay sa mga bilangguan dahil sa kakulangan ng medical attention samantalang nagbabakasyon lamang sa mga ospital ang mga drug lords.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *