Medical mission at operation tuli isinagawa sa Zamboanga del Norte

Nagsagawa ng libreng operation tuli at medical mission ang lokal na pamahalaan sa Barangay Tamil, Jose Dalman, Zamboanga del Norte.

Layon nito na bigyang atensyon ang kalusugan ng mga mamamayan sa naturang barangay.

Ayon kay Kapitana Julieta Macapaz, naging matagumpay ang kanilang aktibidad dahil umabot sa humigit-kumulang animnapung mga residente ang nakinabang sa nasabing aktibidad, kung saan lahat ng nagpa-check up ay binigyan din ng libreng gamot.

Humigit-kumulang walompung mga bata naman ang nakabenipsiyo sa isinagawang libreng operation tuli, at libre na rin ang kanilang gamot.

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan sa nasabing barangay dahil nabigyan sila ng pansin ng mga pamunuan ng kanilang barangay at lokal na pamahalaan.

Sa pagsasakatuparan ng proyekto ay tiniyak ng mga kinauukulan, na nasunod ang health at safety protocols.

Ulat ni Jerome Ladion

Please follow and like us: