Higit 1 milyong halaga ng shabu, nasabat mula sa 3 katao sa Tondo, Maynila

Kabuuang 1,020,000 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation sa Barangay 124, Zone 10, Tondo, Maynila.

Ayon sa Philippine National Police, arestado sa operasyon ang 3 suspek na kinilalang sina Anna Loivina de Leon, 38-anyos; Atilano Layosa Jr., 37, at Cristina Lim, 38.

Maliban sa 150 gramo ng shabu, narekober din sa mga suspect ang isang 45 kalibre ng baril.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa mga kasong kriminal.

Nauna nang ipinahayag ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na lalu niyang paiigtingin ang operasyon laban sa iligal na droga sa bansa sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Please follow and like us: