Mega Market sa Pasig City, bukas ngayong araw kahit Holiday

Mananatiling bukas ang Pasig Mega Market sa kabila ng paggunita sa Araw ng Kagitingan ngayong April 9.

Habang sarado naman ang Tiangge bukas, April 10, 2021.

Pero paalala ng City Government sa mga magtutungo sa pamilihan na magsuot ng face mask at face shield, sumunod sa social distancing, at ipa-scan ang PasigPass QR code bago pumasok at lumabas ng Pasig Mega Market.

Samantala, sa pinakahuling datos ng Pasig City Health office, pumalo na sa 16,990 ang kaso ng Covid-19 sa lunsod pero nasa 3,214 ang aktibong kaso.

Nasa 13,208 naman ang nakarekober habang nsa 568 ang namatay.

Tuluy-tuloy din ang ginagawang pagba-bahay-bahay ng OSCA at PDAO para ma-update ang masterlist at Pasig Health Monitor ng Senior Citizens at Persons with Disabilities.

Ngayong araw ay magpupunta ang OSCA at PDAO sa Kalawaan at San Joaquin.

Ken Mesina

Please follow and like us: