Meralco, magpapadala na ng service disconnection notice sa mga unpaid overdue bills

Simula sa susunod na linggo, magpapadala na ng service disconnection notice ang Meralco para sa mga hindi pa nababayaran at overdue bills.

Ito ang inanunsyo ng power company kasunod ng pagsasailalim sa General Community Quarantine ng NCR Plus.

Pero nilinaw ng Meralco na paiiralin pa rin nila ang pagmamalasakit at kung mahihirapang bayaran ng buo ang overdue bill ay magtungo lamang sa malalapit na sangay o business center ng Meralco para mapag-usapan kung paano magiging magaan ang pagbabayad at maiwasang maputulan ng kuryente.

Bukas ang Meralco mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang www.meralco.com.ph

Please follow and like us: