MERALCO refund mararamdaman na sa June billing

Courtesy of Wikipedia.org

Mararamdaman na sa June billing ng MERALCO o Manila Electric Company ang refund na ipinag-utos ng Korte Suprema dahil sa sobrang singil nito sa kuryente sa nakalipas na tatlong taon.

Kabuuang piso at kwarenta’y tres sentimos kada kilowatt hour ang mababawas sa bayarin sa MERALCO ngayong June dahil sa mas mababang generation charge at refund.

Kasama na rito ang pitumpu’t syam na sentimos kada kilowatt hour na bahagi ng ipinag-utos na refund ng Korte Suprema.

Ibig sabihin nito, ang mga kumukonsumo ng 200 kilowatt hour ay magbabayad na lamang ng 286 pesos samantalang ang kumukonsumo ng 300 kilowatt hour ay magbabayad ng 429 pesos.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *