Metro Rail Transit, nagkaaberya na naman

Nagka-aberya na naman ang  biyahe ng Metro Rail Transit ngayong umaga.

alas 5:20 ng umaga, pinababa ang mga pasahero ng MRT sa Quezon Avenue Station Southbound.

Sa abiso ng MRT, nagkaroon ng technical problem ang isa nilang tren kaya itinaas sa category 3 ang status ng biyahe.

Ang mga apektadong pasahero ay pinasakay na lamang sa kasunod na tren.

Kahapon ay apat na beses na nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga hanggang alas 7:00 ng gabi.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *