Francis Zamora naghain na ng kaniyang COC para tapatan ang pamilya Estrada sa 2019 Midterm elections sa San Juan

Muling maghaharap ang pamilya Estrada at Zamora sa midterm elections sa May 2019.

Sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy, naghain na ng COC si dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora.

Tatakbo itong alkalde ng San Juan sa ilalim ng ruling party na PDP-Laban at tatapatan ang apo ni dating Pangulong Estrada na si Janella Estrada.

Tumakbo na si Francis Zamora noong 2016 kung saan nakalaban nito si Mayor Guia Gomez pero natalo ito.

Naghain ito ng recall petition laban sa alkalde dahil sa umano’y nangyaring vote buying noong 2016 gamit ang mga ipinakaing lugaw na pinaboran naman ng Comelec.

Pero hindi natuloy ang recall election dahil hindi tinanggap at inupuan umano ni Gomez ang notice ng Comelec.

Samantala tatakbo rin sa kaniyang huling termino bilang Kongresista ang kaniyang ama na si San Juan Representative Ronnie Zamora kung saan makakatapat nito ang aktor na si Edu Manzano.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *