Tinaguriang mga Pork Barrel Senators, muling sasabak sa Senatorial race sa 2019 Elections

Muling sasabak sa Senatorial race ang tatlong dating senador na naaresto at nakulong dahil sa umano’y anomalya sa paggamit ng kanilang Pork Barrel.

Kapwa nakapaghain na ng kanilang Certificate of Candidacy para sa Senatorial race sina dating Senador Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.

Ang kaniyang asawang si Bacoor Cavite Mayor Lani Revilla naman ang naghain ng COC para sa kaniyang asawa na si dating Senador Bong Revilla na kasalukuyan pang nakakulong sa PNP Custodial center sa Kampo Krame.

Ang tatlo ay kapwa kinasuhan ng plunder sa Sandiganbayan matapos umanong ilaan ang kanilang pork barrel sa mga non government organizations na pag-aari ni Janet Lim Napoles.

si Enrile ay nakalaya na noong August 2015 matapos payagang magpiyansa ng Korte Suprema habang September 2017 naman nakapagpiyansa si Estrada batay sa desisyon ng anti -raft court pero nagpapatuloy ang paglilitis sa kanilang mga kaso.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *