Tone-toneladang basura, nahakot mula sa Marikina City matapos ang Habagat

Tone-toneladang basura ang nahakot ng mga otoridad kanina mula sa Marikina city matapos ang pananalasa ng Habagat.
Ang clearing operations ay pinangunahan ng mga tauhan ng Marikina police sa O. E Guzman at E. Abello street sa Marikina.
Kabilang na rito sina SPO4 Francisco Jamor at SPO3 Winson Saunar.
Kasama sa mga nahakot na basura ang mga gamit sa bahay na hindi na mapapakinabangan at itinapon na ng mga residente matapos malubog sa putik nang umapaw ang Marikina river noong Sabado.
Isa ang Marikina sa mga lumubog sa baha noong Sabado matapos ang walang humpay na pag-ulan dulot ng Habagat.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *