Mexican bullfighter agaw-buhay makaraang atakihin ng isang toro

A bull attacks a rejoneador (mounted bullfighter) and his horse during a bullfight event at the Monumental Plaza de Toros Mexico in Mexico City on February 9, 2024. (Photo by ALFREDO ESTRELLA / AFP)

Agaw-buhay ngayon ang isang Mexican bullfighter makaraan siyang atakihin ng toro, sa isang show sa central state ng Tlaxcala.

Si Jose Alberto Ortega ay nakaluhod nang sugurin siya ng toro, sanhi upang masugatan ito at mahandusay bago niya nagawang tumayo at tumakbo sa likod ng isang barrier.

Ayon sa isang medical report na inisyu ng bullring, ang 26-anyos ay nagtamo ng fracture sa kaniyang bungo at pinsala sa kaniyang mata, panga, tenga at leeg.

Nakasaad pa sa medical report, na si Ortega ay sumailalim sa operasyon at kritikal ang lagay nito sanhi ng tinamong injuries na maaari niyang ikamatay.

Ang Tlaxcala ay balwarte ng bullfighting, na dala ng mga mananakop na Espanyol noong ika-16 na siglo, ngunit posibleng ipagbawal na ito sa kabisera ng Mexico City, dahil sa iniakyat na reklamo sa korte ng animal rights activists.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *