Mga bagong talagang piskal, nanumpa sa puwesto

Courtesy: DOJ

Naragdagan pa ang mga piskal na nasa ilalim ng Department of Justice- National Prosecution Service( DOJ-NPS).

Ito ay matapos na pormal na makapanumpa ang mga bagong hirang na state prosecutors sa DOJ.

Courtesy: DOJ

Ayon sa kagawaran, kabuuang 24 na piskal ang nanumpa sa posisyon na ilalagay sa iba’t ibang tanggapan ng piskalya sa bansa.

Anim sa mga ito ay itatalaga sa Office of the Secretary of Justice Prosecution Service (OSJPS), at ang nalalabi ay sa provincial o city prosecution offices sa Ilocos Sur, Bulacan, Malolos, at Cabanatuan City.

Courtesy: DOJ

Tiwala ang DOJ na makatutulong ang mga bagong piskal para makamit ang target nito na zero-backlog, at maibsan ang mabigat na workload ng NPS.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *