Mga bayan ng Catarman at San Isidro sa Northern Samar niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang lalawigan ng Northern Samar kaninang alas-4:24 ng madaling araw. 

Naitala ang lindol sa layong 18 km hilagang silangan ng Catarman. 

May lalim ang pagyanig na 17 km, at tectonic ang sanhi ng pag lindol. 

Isa pang lindol ang naitala sa San Isidro sa Northern Samar pa rin. 

Naitala ang lindol sa layong 18 km ng San Isidro kaninang alas 6:16 ng umaga.

May lakas itong 2.5 magnitude at lalim na 79km.  

Wala namang naitalang pinsala sa mga ari-arian, ang mga nangyaring pagyanig at wala ding inaasahang aftershocks sa Catarman at San Isidro, Northern Samar. 

Ulat ni Jet Hilario

Magnitude 2.5 na lindol naman ang naranasan sa San Isidro N. Samar kaninang 6:16am
Please follow and like us: