Mga biktima ng masaker sa Bulacan, ililibing na ngayong araw

Ililibing na ngayong araw ang limang miyembro ng pamilyang minasaker sa San Jose del Monte Bulacan.

Pero bakas pa rin sa mukha ng mga kaanak ng biktima ng massacre ang galit sa nangyaring trahedya.

Nakasuot ng puting t-shirt ang mga kaanak at malalapit na kaibigan na makikipaglibing na nakasulat ang pangalan ng limang biktima sa harapan habang sa likod ay nakasulat ang panawagan na dapat ibalik na ang death penalty.

Ayon kay Dexter Carlos ang naulila ng mga biktima kulang ang pag-amin ng suspek na si Carmelino “Miling” Ibanes para maibalik ang buhay ng kaniyang mahal sa buhay.

Hindi rin niya maipaliwanag ang kaniyang nararamdaman matapos na mabalitaan na pinatay na ang isang person of interest na si Ronaldo Pacino alyas “Inggo”.

Natagpuan ito kahapon ng umaga na tinalian ng pump belt ang leeg, putol ang limang daliri at may karatula pa na “Adik at rapist huwag tularan” sa hindi kalayuan sa kanilang lugar.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *