Mga Centenerian ng Quezon City, pinagkalooban ng insentibo kaugnay ng pagtatapos sa paggunita ng Filipino Elderly week

Iba’t ibang aktibidad ang isinagawa ng Quezon City government sa pagtatapos ng selebrasyon ng Filipino Elderly week.

Kabilang dito ang libreng pagbabakuna laban sa flu, webinar na may paksang Teki si Lolo, Teki si Lola, Physical fitness activity ng angkop sa medical condition ng mga elderly.

Highlights ng aktibidad ay ang pamamahagi ng fruit basket, certificate at 100,000.00 pesos cash incentive sa ilang centenerians ng lungsod.

Tinanggap ang mga nabanggit na insentibo ng mga mahal sa buhay ng mga sentenaryo.

Belle Surara

Please follow and like us: