Mass antibody testing sa mga health workers ng Quezon City, isinagawa

Nagsagawa ang Quezon City General Hospital (QCGH) ng mass anti-body testing sa mga health care workers at medical staff ng mga ospital sa lungsod na gumaling na mula sa COVID-19.

Gamit ang  anti-body test machine ng lungsod, matutukoy ng QCGH kung sino-sino na ang nakapag-develop ng antibody laban sa virus.

Ilalagay din sila sa registry ng possible donors na maaaring mag-donate ng convalescent plasma na kinakailangan ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ang hakbang ay naglalayong maprotektahan ang mga health care workers at medical staff sa mga ospital sa Quezon City.

Belle Surara

Please follow and like us: