Mga dating opisyal ng DOH, DOF at lahat ng mga nakipagtransaksyon sa pagbili ng COVID-19 vaccine, nais ipatawag ng isang Senador

Sinusuportahan ni Senador Bong go ang hakbang na mabusisi ang pondong ginamit ng gobyerno pambili ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay Go, na Chairman ng Senate Committee on Health dapat maipatawag ang mga opisyal ng Department of Health,Department of Finance at Department of budget and management na nakipagtransaksyon para sa bakuna.

Ito rin naman aniya ang nais ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para ipakita na transparent ang transaksyon ng gobyerno.

Walang nakikitang masama ang Senador kung titingnan ang isyu.

Pero depensa niya napilitang pumasok ang gobyerno sa mga non disclosure agreement para lamang magkaroon ng suplay ng bakuna laban sa COVID-19 ang Pilipinas.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *