Mga eroplano ng Philippine Navy magbabantay sa Benham Rise

Isasabak din sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea at Benham Rise ang dalawang nirentahang segunda manong beechcraft  TC-90 training aircraft ng Philippine Navy.

Sa panayam ng Liwanagin Natin,  sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla bukod sa pagbabantay sa nasasakupan ng bansa , gagamitin din nila ang dalawang aircraft sa agarang pagrescue sa mga nawawalang mangingisda sa karagatan .

Dagdag pa ni Padilla, inaasahang may tatlo o apat pang eroplano ang ipagkakaloob ng Japan sa Philippine Navy bilang plataporma sa pagbabantay sa ating mga karagatan.

 

 

Please follow and like us: