Mga eskwelahan, dapat  iakma sa Climate Change

Dapat tiyakin na akma sa anumang panahon ang mga silid aralan sa halip na magpabago bago ng School year.

Paliwanag ni Justine Raagas, Executive Director ng Philippine Business for Education o PBED, hindi dapat pinag-eeksperimentuhan ang  School year na ipinatutupad kada taon.

Dahil sa matinding init ng panahon dulot ng El Niño na nakita ang epekto nito sa mga estudyante at guro, unti unti na aniyang ibabalik sa dati ang school year.

Pero kapag ibinalik sa dati, problema naman ang mga bagyo.

Kahit ano pa aniyang School calendar ang ipatupad, ang dapat gawin, iakma sa nagbabagong panahon ang mga eskwelahan at silid aralan.

Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *