Mga eskwelahan kinalampag na gawing makatwiran ang tuition fee hike

Umapela ang isang kongresista sa mga eskwelahan na maging makatao sa pagtatakda ng matrikula para sa susunod na pasukan.

Ito ang pahayag ni Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr. kasunod ng pagtatapos ng konsultasyon ng mga  higher educational institutions sa mga stakeholder sa isyu ng tuition fee hike.

Giit ng kongresista dapat ay makatwiran naman ang increase para hindi mabigatan ang mga magulang sa pagbabayad ng matrikula lalo na at milyun- milyon pa rin ang walang trabaho.

Kinalampag din ng kongresista ang budget department at CHED na ilabas na sa lalong madaling panahon ang panuntunan para sa free college tuition sa State Universities and Colleges.

Ngayong Marso aniya ang tamang panahon para ilabas ang panuntunan para makapag-avail ng free tuition sa pasukan sa SUC’s ang mga magkokolehiyo.

Ulat ni: Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.