Mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections maaari nang maghain ng kanilang CoC, bago matapos ang buwan

Maari nang magsimula ang mga kandidato para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na maghain ng kanilang Certificates of Candidacy, bago matapos ang buwan.

Ito ay kahit wala pang batas na naipapasa para sa postponement ng nasabing halalan na nakatakdang isagawa sa Oktubre 23.

Batay sa advisory na inilabas ng Commission on Elections maari nang maghain ng kanilang CoC ang mga kandidato simula sa Setyembre 23 hanggang sa Setyembre 30 ng taong kasalukuyan.

Nabatid na sa ngayon, dalawang panukalang batas sa Senado at Kamara ang nagnanais na ipagpaliban muli ngayong taon at isagawa na lamang ang Barangay at SK polls sa susunod na taon.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *